Twenty seven years old na si Not-not nang mapasok siya sa tunawan ng bakal. Isa siyang RSE o Registered Electrical Engineer. Pambihira ang tunay nyang pangalan. Kung di mo siya kilala, sa pangalan pa lang ay magugulat ka na. Matalino siya at bihasa sa kanyang piniling trabaho. Isa lang ang kapintasan na laging nakikita sa kanya; ang kanyang height.